-- Advertisements --
May kakaibang paraan ang modelong si Kaylen Ward para makatulong sa mga biktima ng wildfire sa Australia.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbebenta ng kaniyang mga hubad na larawan.
Umabot na sa mahigit $700,000 ang kaniyang naipon at ito ay nakatakdang ibigay sa Australian wildfire relief funds.
Kilala na ito ngayon bilang The Naked Philanthropist.
Sa kaniyang social media post, kada $10 na idodonate ng isang interestado ay may hubad na larawan silang matatangap sa kanilang message inbox.
Inamin din nito na may mga kilalang artista ang nagmensahe sa kaniya at nagbigay din ng donasyon.
Hinikayat din niya ang kapwa na gumawa ng paraan para makatulong sa mga biktima ng wildfire sa Australia.