Nagtala ng record ang US singer na si Tracy Chapman.
Ito ay matapos na maging number 1 ang kanta nitong “Fast Car”.
Dahil dito ay siya ang unang Black woman sa kasaysayan na nakaabot sa number 1 sa Billboard Country Airplay chart bilang sole songwriter.
Nitong Lunes kasi ay naging number 1 ang version na ginawa ng country star na si Luke Combs.
Si Chapman din ang pang-apat na Black woman na nagkaroong ng writing credit sa anumang pangunahing country song.
Ang kanta ay ginawa ni Chapman mahigit 35 taon na ang nakakalipas.
Ilan sa mga accomplishment ng nasabing kanta ay naging pang-anim ito sa Billboard Hot 100.
Mas lalong sumikat pa ito ng kantahin ni Chapman sa ika-70 kaarawan ni Nelson Mandela bilang tribute na ginawa sa Wembley Stadium sa London.
Nagwagi rin si Chapman sa kanta ng Grammy para sa Best Female Pop Vocal Performance.