-- Advertisements --
DAVAO CITY – Inaalam pa ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Davao ang dahilan ng nangyaring sunog sa loob ng Gaisano mall.
Kung maalala, agad na nagsilabasan ang mga costumer ng Mall matapos masunog ang isang fast food chain saloob nito.
Agad naman na nakaresponde ang mga bumbero at naapula naman ang apoy.
Walang naitalang casualty ang otoridad matapos ang nasabing insidente at inaalam na ngayon ang kabuuang damyos.
Nabatid na ito na ang ikalawang beses na may nangyaring sunog sa loob ng mall kung saan una na rin na nasunog ang isa pang food chain noong taong 2018.