-- Advertisements --

ILOILO CITY – Na-rescue ng Philippine Coast Guard ang 130 mga pasahero ng Weesam express matapos nagka-aberya sa Iloilo Strait.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Paterno Belarmino, pinuno ng Philippine Coast Guard-Iloilo, sinabi nito na nanggaling sa Iloilo City ang fastcraft at papunta sana sa Bacolod City.

Ayon kay Belarmino, siya mismo ang nakakita sa fastcraft na bumagal ang takbo nito.

Kaagad nilang tinawagan ang kapitan ng barko at nakumpirma na pumalya ang steering nito.

Kaagad namang rumesponde ang mga otoridad at hinila ang nasabing fastcraft papunta sa pantalan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.