-- Advertisements --



Sumampa na sa 48 katao ang nasawi sa mapaminsalang flash flood dala ng remnants ng Hurricane Ida sa New York, USA.

Nasa 13 katao ang naitala mula sa New York City habang sa New Jersey naman ayon kay Governor Phil Murphy nasa 23 ang fatalities.

Ilan sa mga casualties, tatlo dito ay natagpuan sa basement ng New York City borough of Queens habang hindi din nakaligtas sa matinding flash flood na umabot sa 8ft ang mga residente sa Elizabeth, New Jersey.

Nananatiling limitado ang subway service sa New york City at suspendido ang commuter rail services.

Kanselado din ang nasa 370 flights sa New Jersey’s Newark Liberty Airport.

Hinikayat ng mga gobernador ng New York at New Jersey ang mga residenet na manatili muna sa kanilang mga bahay habang isinasagawa ang malawakang clearing operation at restoration sa subway services at commuter rail lines.