-- Advertisements --
DALLAS, Texas – Mistulang nakaranas ng day off mula sa pagiging homeless sa loob ng 20 taon ang isang tatay, kasabay ng selebrasyon ng Father’s Day nitong weekend.
Binigyan kasi siya ng special makeover ng isang local hairdresser na tinukoy lamang bilang “Mrs Hot Hands.”
Nabigyan din siya ng mga bagong damit, pagkain at pagkakataong manatili sa isang hotel room.
Nakilala ang homeless dad na si Larry Green, 60, kung saan 20 taon nang nananatili sa mga lansangan ng Dallas.
Matapos ang makeover, muli daw naramdaman ni Green ang pagiging bahagi niya ng lipunan at nagkaroon ng mga bagong pananaw. (CBS)