-- Advertisements --

Mula sa 6,959 kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Father’s Day ng bahagyang mababa sa 5,803 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID).

Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ngayong Linggo ng hapon,umakyat na sa kabuuang 1,359,015 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Mayroon namang 7,652 na gumaling habang 84 ang bagong pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (57,679) ang aktibong kaso, 94.0% (1,277,715) na ang gumaling, at 1.74% (23,621) ang namatay.