Inirekomenda ng American health experts na agad na turukan ng COVID-19 vaccines sina US President Donald Trump at Vice-President Mike Pence.
Ayon ka Dr. Anthony Fauci, ang director ng National Institute of Allergy and Infectious Disease na mahalaga na mabigyan ng bakuna ang mga opisyal ng gobyerno para maprotektahan din nila ang mga tao.
Kahit aniya na nadapuan na ng COVID-19 ang US President at mayroon na itong antibodies na magpoprotekta sa kaniya ay hindi rin malalaman kung hanggang kailan ito magtatagal.
Maging aniya sina President-elect Joe Biden at Vice-President elect Kamala Harris ay nararapat na rin na mabigyan ng bakuna sa lalong madaling panahon.
Magugunitang inanunsiyo na rin ng kampo ni Biden na kanilang isasapubliko ang pagpapaturok nito ng COVID-19 vaccine.
Nauna rito nagpositibo sa COVID-19 si Trump noong Oktubre at ito ay dinala a Walter Reed National Military Medical Center habang ang mga staff lamang ni Pence ang nadapuan ng nasabing virus.