CENTRAL MINDANAO- Anumang oras ay posebling gagalaw ang active faultline sa Brgy Balabag Kidapawan City at kayang mag-generate ng magnitude 6 na lindol.
Ito ang kinumpirma ni Engr Milo Tabigue ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-Kidapawan).
Sinabi ni Tabigue na dating potentially active ang Balabag fault na may habang 286 meters na ngayon ay active fault na at kayang mag generate ng hanggang sa Magnitude 6 na lindol.
Maaring gagalaw ang faultline sa brgy Balabag dahil aktibo ito at una na din na dineklarang high risk area ng Mine and Geosciences Bureau o (MGB)
Nadiskubre din na may mga faultlines sa bayan ng Matalam, Aleosan, Alamada at Carmen North Cotabato.
Ang hazard din ng lindol ay hindi lamang ang ground rapture at ground shaking dahil isa din sa mapanganib kapag may mga pagyanig ay ang landslide o pagguho ng lupa.
May dalawang uri rin ng landslide ito ay ang pagguho ng lupa dahil sa lindol at pangguho ng lupa dahil naman sa malakas na buhos ng ulan.
Nilinaw din ng opsiyal na ligtas pa rin naman anyang magpatayo ng bahay sa mga lugar na tinukoy na may active faultline basta’t sumunod lamang sa pamantayan ng National Building code at dapat ding limang metro ang layo mula sa buffer zone.
Muli din nitong nilinaw na hindi maapektuhan ang Mount Apo kung saan malapit lamang sa paanan nito ang Barangay Balabag dahil anya ito ay hindi potentially active volcano.
Kapag nakaranas na ng malakas na lindol ay posibleng sa loob pa ng mahabang panahon gagalaw ulit ang Balabag faultline.