-- Advertisements --
Naapektuhan ang maraming mga airlines, banko, negosyo at ilang mga emergency services matapos ang nangyaring global outages.
Nagmula ang nasabing problema sa Microsoft services kung saan tiniyak ng kumpanya na kanilang inaayos na ang problema.
Ayon naman sa digital security authority ng Germany na ang global IT outage ay dahil sa ‘faulty update’ mula sa cybersecurity company na CrowdStrike na naapektuhan ang mga Windows-based computers.
Sinabi ni CrowdStrike CEO George Kurtz na kanilang nalaman agad ang pinagmulan ng problema at kanila na itong naaayos.
Paglilinaw naman ng kumpanya na hindi nagmula ito sa hacking.
Ang nasabing problema ay nagresulta sa maraming mga flights sa buong mundo.