Nilapatan ng sanction ang Facebook page ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil sa isang post sa kaniyang page na nanawagan sa mga botante upang maiwasan ang pagtatatag ng isang gobyerno na binubuo ng mga Arabong naninira sa mga kabataan at kababaihan.
“Arabs who want to destroy us all – women, children and men” saad sa post ng page ni Netanyahu.
Dahil rito, naka-disable ang automatic response chat ng page sa loob ng 24 oras.
Umani ang post ng samut-saring reaksiyon lalong-lalo na ang mga pulitikong nasa oposisyon.
Unang itinanggi ng nasabing Prime Minister ang paratang ngunit di kalaunan ay sinabi rin nito na ito’y isang pagkakamali ng kaniyang staff.
Magmula 2009 ay nasisilbing Punong Ministro ng Israel si Benjamin Netanyahu at makikiisa ito sa gaganaping Snap legislative elections sa September 17, 2019.