-- Advertisements --

Hinigpitan pa lalo ng FBI ang pag-screen sa mga magbibigay seguridad sa inauguration ni US President-elect Joe Biden.

Sinabi ni Major General William Walker ng DC National Guard, hindi lamang isang beses sila sinasala ng FBI.

Hindi naman nito binanggit nito kung anu-ano ang mga pinagtatanong ng FBI sa mga national guard bago sila isabak sa pagbabantay sa kapaligiran ng Capitol Hill.

Ang nasabing hakbang ay para matiyak aniya ng FBI na walang insiders ang maghahasik ng kaguluhan sa kasagsagan ng panunumpa ni Biden bilang bagong pangulo ng US sa Huwebes ng madaling araw.