-- Advertisements --

Naglunsad na ng imbestigasyon ang FBI sa naganap na pamamaril sa US military helicopter habang nagsasagawa ng military exercise sa Virginia.

Ayon sa FBI, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang mga ahensiya kabilang na ang Air Force Office of Special Investigation para malaman ang tunay na pangyayari.

Aalamin sa imbestigasyon kung sinadya ba o aksidente lamang ang naganap na pamamaril.

Magugunitang sugatan ang isang crew member at napilitang magsagawa ng emergency landing ang nasabing helicopter.

Nagtamo rin ng pinsala ang UH-1N Huey helicopter matapos ang insidente.