Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang FBI sa nangyaring cyberattack sa pinakamalaking meat processor sa buong mundo ang JBS Foods.
Sinabi ni principal deputy press secretary Karine Jean-Pierre na kanilang inabisuhan ang mga pangunahing meat processors sa US tungkol sa nangyari.
Mahigpit din aniya ang bilin sa kanila ni US President Joe Biden na agad na imbestigahan ang pangyayari para hindi na ito lumala pa.
Dahil din sa pangyayari ay kinansela ng mga maraming meat plants sa US at Canada ang kanilang pagpapadala ng mga karne.
Naramdaman na rin ang pagtaas ng presyo ng karne sa iba’t ibang bahagi ng US dahil sa pangyayari.
Magugunitang nitong Lunes, nang isinara ng JBS ang kanilang North American at Australian IT networks matapos na madiskubreng sila ay inatake ng cyberattacks.
Hawak kasi ng 20 percent ng mga pagkakatay ng mga baka at baboy ang JBS sa US.
Ang JBS Foods ang itinuturing din na world’s largest meat processor and exporter.