Naniniwala ang Federal Bureau of Investigation (FBI) na ang suspek sa pang-aatake sa New Orleans ay naimpluwensiyahan ng ISIS.
Sinabi ni Christopher Raia ang deputy assistant director ng FBI Counterterrorism Division, na malapit na sa pagiging ISIS radical ang 42-anyos na suspek na si Shamsud-Din Jabbar.
Nangangalap pa sila ng maraming impormasyon ukol sa nag-uugnay sa suspek sa ilang terror activities.
Naniniwala din ang FBI na mag-isa lamang ang suspek at walang kasama ng sagasaan niya ang mataong lugar sa Bourbon Street gamit ang kaniyang pickup truck kung saan 14 katao ang nasawi.
Napatay din ang suspek na isang Army veteran matapos makipagbarilan sa mga otoridad.
Nakakalap din ng video ang FBI na sumali na ito sa terror group at nakakuha ang mga otoridad ng watawat ng ISIS.
Nakarekober din ang mga otoridad ng dalawang improvised explosive devices sa Bourbon Street kung saan inilagay ng suspek sa magkakahiwalay na lugar.