-- Advertisements --

Hinalughug na ng FBI ang bahay ni Ryan Routh na siyang nasa likod na tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump.

Nais ng FBI na makakuha ng iba pang ebedensiya at ang tunay na motibo ng suspek.

Gamit ang search warrant na galing sa korte ay kanilang inaalam kung may iba pang mga kasamahan si Routh sa tangkang pamamaril sa dating pangulo.

Pinuri naman ni Department of Homeland Security Secretary Alejandro Mayorkas ang Secret Service dahil sa ginawa nila ng tama ang kanilang trabaho at napigil ang tangkang pamamaril.

Una rito ay nahaharap sa kaliwa’t-kanang batikos ang Secret Service dahil sa pangalawang beses na pagtatangka sa buhay ni Trump.