-- Advertisements --

Pumasok na ang FBI sa pag-iimbestiga sa naganap na malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ayon kay David Hale ang US ambassador to Lebanon, na makakasama ng FBI ang mga international investigators para masagot ang katanungan ng karamihan sa nangyaring pagsabog.

Tiniyak din ng mga otoridad sa Lebanon na magiging mahigpit ang kanilang isasagawang imbestigasyon.

Tumanggi naman si Lebanese President Michel Aoun sa international investigation at tinawag nitong isang pagsasayang lamang ng oras ito.

Magugunitang umabot sa 171 katao ang patay sa pagsabog ng nakaimbak na mahigit 2,000 toneladang ammonium nitrate sa Beirut port noong Agosto 4.