-- Advertisements --

Binuksan na ng FBI ang criminal investigation sa pagkabagsak ng tulay sa Baltimore.

Pag-aaralan ng mga imbestigador ng FBI ang sirkumstansya kung paano nangyari ang insidente na nagresulta sa pagkakasawi ng anim na katao.

Mula kasi ng bumagsak ang Francis Scott Key Bridge ng tamaang ito ng barko noong Marso 26 ay mga tauhan na ang FBI sa lugar.

Ang imbestigasyon ng FBI ay hiwalay sa isinasagawang imbestigasyon ng National Transportation Safety Board (NTSB).