-- Advertisements --

Natukoy na ng FBI ang nasa likod ng cyber attack sa Colonial Pipeline networks na siyang nagdadala ng gasolina mula Texas patungong Northeast.

Kinilala ang ransomware gang na “Darkside” ransomware na naging aktibo noong Agosto 2020 kung saan inatake nito ang mga medical, educational at mga government targets.

Ibinibigay nito ang nasabing mga nakukulimbat sa cyber attacks sa mga charity.

Papasukin ng grupo ang server ng biktima at kapag nakuha ang mga data ay ipapatubos niya ito sa mga may-ari ng mga websites.

Tiniyak naman ni US President Joe Biden na nagsasagawa na imbestigasyon ang FBI sa nasabing insidente.