-- Advertisements --

Pinayagan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang emergency use ng Moderna COVID-19 vaccine sa mga may edad 12-17 anyos.

Sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo, nagkaroon ng masusing evaluation ang mga vaccine expert at ang regulatory experts ng FDA kaya inaprubahan nila ang nasabing paggamit.

Nakita aniya ng mga eksperto na mas marami itong benepisyo kumpara sa panganib sa pagpapaturok ng nasabing bakuna sa nabanggit na mga edad.

Ang Moderna ang siyang pangalawang COVID-19 vaccine na pinayagan ng FDA na gamitin sa edad 12-17 na ang una ay ang Pfizer vaccine.