Ikinokonsidera ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagpapahintulot ng online selling ng nonprescription drugs ng mga establisyimento na walang physical stores.
Ayon sa FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez, bumabalangkas ang ahensiya ng guidelines para sa “e-pharmacy” nakatakdang ilabas para sa malaman ang komento ng publiko hinggil dito.
Aniya, may limitasyon ito kung saan papayagan pagbebenta ng mga walang prescription na gamot.
Maaaring payagan din ang mga walang physical store subalit paglilinaw ni Gutierrez na dapat mayroon pa ring opisina at identified warehouse kung saan nagmumula ang gamot.
Samantala, nagsagawa ang FDA ng operasyon sa 50 sari sari store na nagbebenta ng mga palsipikadong gamot gaya ng analgesic at antipyretic medicines sa Cavite, Laguna, Albay, Caloocan , Quezon City at Paranaque.
Hinimok din ng FDA ang publiko na bisitahin ang verification portal ng ahensiya upang maiwasang mabiktima ng pekeng gamot.