Tinanggal na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drugs Administration (FDA) director-general Nela Charade Puno dahil sa isyu ng katiwalian.
Batay sa sulat na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang May 15, 2019, nakasaad na epektibo agad ang termination ng serbisyo ni Puno sa FDA.
Nakapaloob din sa sulat na ang pagtanggal ni Pangulong Duterte kay Puno sa pwesto ay bahagi ng kanyang mandato na linisin ang gobyerno mula sa korupsyon at matiyak na ang mga itinatalagang opisyal ay nararapat sa tiwala ng publiko.
Wala namang nabanggit si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung anong partikular na isyu ng korupsyon ang kinasasangkuta ni Puno.
Magugunitang matagal ng may mga naglabasang alegasyon ng korupsyon laban kay Puno mula nang maupo sa FDA.