-- Advertisements --
WASHINGTON – Nagbitiw bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA) si Commissioner Scott Gottlieb matapos ang halos dalawang taong pamumuno sa ahensya.
Sa isang pahayag, inanunsyo ni Health and Human Services Sec. Alex Azar ang planadong pagbibitiw ni Gottlieb.
Noong 2017 nang kunin ni President Donald Trump ang serbisyo ni Gottlieb upang tapusin ang “red tape” sa FDA.
Ilan sa mga isyung hinarap ni Gottlieb sa puwesto ay ang opioid epidemic, pagtaas ng presyo ng mga gamot, at paggamit ng vape ng mga wala pa sa hustong gulang. (AP)