-- Advertisements --
Dinagdagan pa ng Food and Drugs Administrations (FDA) ang mga bansang pinagbawalang magpasok ng mga pork products dahil pa rin sa banta ng African swine fever (ASF).
Idinagdag ang mga bansang North Korea, Laos, Hong Kong at Germany.
Makakasama na ng nasabing mga bansa ang naunang pinagbawalang makapasok at ito ay ang mga Bulgaria, Belgium, Cambodia, Czech Republic, Mongolia, Moldova, South Africa, Vietnam at Zambia.
Tiniyak din ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit nilang pagbabantay para hindi sila malusutan.