![FDA](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/11/FDA.jpg)
Hinikayat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na i-report ang mga side effects ng mga gamot na kanilang iniinom.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate kailangang maipa-abot sa FDA ang mga nararanasan o nararamdamang mga side effect ng mga gamot na kanilang iniinom.
Mapa-doctor man aniya o pasyente, narse, o pharmacist, kailangan aniyang malaman ng FDA ang mga negatibong resulta ng kanilang mga iniinom na gamot upang mapag-aralan ito ng mga eksperto.
Ayon kay Zacate, lahat ng kanilang matatanggap na report ay pag-aaralan at isasailalim sa assesment, para matukoy ang mga tamang hakbang para ma-protektahan ang populasyon mula sa posibleng side effects.
Mahalaga rin aniya ang mga naturang report upang ma-detect ang mga palyadong gamot na posibleng kumalat na sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Maaari aniyang ireport ang mga ito sa pamamagitan ng https://bit.ly/FDAPHReportSideEffect, kung saan kanilang iisa-isahin ang bawat impormasyon.
Simula noong 1990s, nakatanggap na ang FDA ng hanggang sa 153,000 reports ng mga side effects at nagawang ma-proseso ang mga ito.