Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng mas marami pang brand ng covid19 drug na Molnupiravir kabilang na ang local manufacturer at inievaluate na rin ang gamot na Paxlovid.
Ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez, ang mga brands na nabigyan na ng emergency use authorization ay ang Molmanrz (Faberco), Molnaflu (Medethix), Auxilto (German Quality Pharma), Molxvir (Sun Pharma), Molnatris (Mykan), Molnupiravir Generic (Lloyd Laboratories/Dr. Zen’s Research).
Ang Lloyd Laboratories ay kayang makagawa ng 1 million capsules kada taon na kayang maaccommodate ang nasa 25,000 hnaggang 50,000 covid19 patients.
Ayon pa kay Gutierrez ang mga generic products ay kadalasang ibinibenta ng 30 % hanggang 50% na mas mura kumpara sa mga branded na gamot.
Aniya, tanging ang pamahalaan lamang ang maaaring bumili ng mga produktong gamot na nabigyan ng EUA.
Ang Molnupiravir ay isang prescription drug na ginagamit para sa mga pasyenteng may mild to moderate covid19.
Samanatala, nakapagsumite na rin aniya ang Pfizer ng application para sa emergency use authorization ng Paxlovid.