Inanunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na inaprubahan ang application and grant of Certificate of Product Registration (CPR) para sa Covid-19 bivalent vaccine ng Pfizer ang Tozinameran + Famtozinameran (15 mcg/15 mcg)/0.3 mL Dispersion for Injection (IM) na may brand name, Comirnaty Original/Omicron B.A.4-5.
Ayon sa liderato ng FDA isa itong significant milestone lalo at nahaharap pa rin sa global health crisis ang bansa.
Inihayag ni FDA Director General Samuel Zacate, bilang bahagi ng commitment ng FDA sa inisyatibo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ilipat na ang pokus mula sa COVID-19 crisis management patungo sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa, binuo ng FDA ang Taskforce Edward na layon nito na paigtingin ang availability and accessibility ng COVID-19 vaccines sa publiko.
Nuong February 21, 2023, ang kumpanyang Pfizer Inc., nagsumite ng CPR application sa ilalim ng Monitored Release (MR) para sa kanilang COVID-19 vaccine.
Iprinoseso ng FDA ng nasabing application at matapos ang isinagawang pagsusuri, inaprubahan na ng FDA ang CPR na may limang taong validity.
Hinimok naman ng FDA ang publiko na panatilihin ang kumpiyansa at pagkatiwalaan ang nasabing Covid-19 vaccine.
Hinikayat din ng FDA ang iba pang mga pharmaceutical industry na mag-apply at kumpletuhin ang requirement para sa Covid-19 vaccine.