-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization para sa ikalawang booster shots na ibabakuna para sa mga senior citizens, immunocompromised at frontline health workers.

Ayon sa Health department, ibibigay ang second booster dose apat na buwan matapos na maiturok ang unang booster dose dahil kinikilala ng FDA ang datos na nababawasan ang immunity partikular na sa ilang ispesipikong populasyon.

Ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose para sa moderately at severely immunocompromised patients ay maaaring maibigay ng mas maaga subalit subject pa rin sa assessment ng attending physician.

Bumabalangkas na ngayon ang National COVID-19 vaccination Operations Center (NVOC) ng guidelines para sa pagrolyo ng ikalawang booster dose.