Inaprubahan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbawas sa interval period sa pagitan ng huling COVID-19 vaccine dose para agad na maturukan ng booster dose ang isang indibidwal.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na mabigyan ang mga edad 18-anyos pataas ng booster shots matapos ang tatlong buwan ng kanilang ikalawang dose ng primary two-dose vaccine.
Dagdag pa ng kalihim, kanilang pinag-aaralan ang lahat ng mga posibilidad para ligtas na malabanan ang Omicron variant.
Isa rin aniya itong paraan dahil sa maraming mga bansa na ang nagtatala ng mabilis na paglobo ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Maglalabas pa sila ng mga operational guidelines para sa nasabing pagtuturok ng COVID-19 booster shots.