-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagsamsam sa lahat ng mga produkto ng Cosmic Carabao Gin sa mga pamilihan.

Ito’y makaraang matuklasan sa isinagawang mga pagsusuri na may mataas na lebel ng methanol ang nakuhang samples ng alak.

Sa abiso ng FDA, pinatitiyak nila sa mga local government units at sa mga kinauukulan na hindi na ito maibebenta pa sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Muli ring inihayag ng ahensya na walang certificate of product registration ang Cosmic Carabao gin.

Una nang napaulat na nagsuka at hinimatay ang dalawang babaeng nakainom umano ng naturang gin.

Naisugod pa raw sa ospital ang dalawa ngunit binawian ng buhay ang sa sa kanila.

Ang methanol ay isang kemikal na kadalasang ginagamit sa mga household products, maging sa gasolina ng aircraft.