-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Anti-Red Tape Authority ang Food and Drug Administration of the Philippines dahil sa nakatambak na mga renewals at permits sa kanilang opisina.

Sinabi ni Jermemiah Belgica, Director General ng anti-red tape authority, na kuwestiyonable ang nasabing pagpapatagal ng mga papeles.

Aminado ito na maaaring magbunsod sa kurapsyon.

Magugunitang tinawagan ng pansin ng Anti-Red Tape Authority ang FDA matapos ang matanggap na reklamo na may mahigit 30 applications ang pending sa kanilang opisina.