-- Advertisements --
Nabigyan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11.
Ayon kay FDA director-general Eric Domingo na ang nasabing desisyon ay isinagawa matapos ang ginawang pag-aaral sa technical documents at evaluation ng US FDA.
Nakita rin ng kanilang experts na ang data na isinumite ay sapat na para sa EUA approval.
Dagdag pa nito na ang Pfizer ay mayroong 90.7 percent efficacy para sa nasabing age group.