-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa unregistered na gamot na nangangalang “Prodex-B” na sinasabing may magandang epekto laban sa COVID-19.

Sinabi ng FDA sa isang advisory na ang naturang gamot, na kombinasyon ng Procaine at Dexamethasone na may Vitamin B, ay walang kaakibat na guaranteed quality, safety at efficacy data.

Dahil dito, maaring mapanganib anila sa kalusugan ng tao ang pag-inom ng Prodex-B.

“Procaine is an anesthetic used to reduce pain on injections, while Dexamethasone is a corticosteroid which must be used cautiously due to its side effects including immunosuppression or weaker immune system leading to vulnerability to infections,” giit ng FDA.