Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga health products na nasira o naapektuhan sa nakalipas na malawakang pagbaha.
Ayon sa ahensiya, maraming mga paktorya, warehouse o mga bodega, at iba pang mga establishimiyento na gumagawa, nagpo-proseso, nagrerepake, at nag-iimbak ng health products ang unang nalubog sa tubig-baha.
Maliban dito, marami ring mga drugstore at mga retail outlet ang nalubog.
Ayon sa FDA, maaring may mga magtatangka pang ibenta ang mga naturang produkto na tiyak na mambibiktima sa mga konsyumer.
Dahil dito, iginiit ng ahenisya na ang exposure ng mga produkto sa tubig-baha ay naging mitsa upang makompormiso ang kalidad, kaligtasan, at pagiging epektibo ng mga ito.
Dahil dito, binalaan ng FDA ang mga naturang establishimiyento na huwag nang ibenta ang mga naturang produkto dahil sa tiyak na makokompormiso lamang ang kalusugan ng mga konsumer.
Ang mga produktong naunang na-expose sa tubig-baha, ayon sa ahensiya, ay hindi na dapat ibinibenta dahil sa banta nito sa kalusugan.