-- Advertisements --

Dumepensa ang Abbott Laboratories patungkol sa inilabas na babala sa publiko ng US Food and Drug Administration na hindi umano tama ang mga inilalabas na resulta ng kanilang rapid coronavirus testing.

Ayon sa FDA, dahil sa mga inaccurate result ng naturang test ay ay posible raw na maling impormasyon ang maibigay sa pasyente na positibo sa COVID-19.

Una nang ipinagmalaki ni President Trump ang rapid testing na ito na susi raw sa pagkontrol ng outbreak sa Amerika. Kasalukuyan din itong ginagamit sa daily testing na ginagawa sa White House.

Base sa inilabas na pag-aaral ngayong linggo, halos 48% ng coronavirus infection ang hindi raw maayos na nadedetect ng naturang rapid testing.

Dagdag pa ng FDA, kinakailangan na muling sumailalim sa test ang lahat ng indibidwal na magnenegatibo ang resulta para masigurong hindi sila carrier ng virus.