-- Advertisements --
Nagbabala ang Food and Drugs Administrations (FDA) sa pagkalat ng ilang mga surgical mask na hindi dumaan sa kaniyang evaluations.
Sinabi ni FDA director general Eric Domingo, na dapat dumaan sa mga masusing pagsusuri sa kanilang opisina ang mga medical mask.
Dalawang tinukoy dito ng FDA ay ang Day Maker Disposable Face Mask at AINBEI Disposable Protective Mask.
Dapat ang mga ito ay irehistro dahil ito ay ibinebenta bilang medical grade mask o ginagamit ng mga medical health workers.
Habang ang mga face mask na hindi naman ginagamit para sa medical purpose ay hindi na kailangan iparehistro sa kanilang opisina.
Hinikayat din nila ang Bureau of Customs na bantayan ang mga pagpasok ng mga imported na mga face masks.