-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagkakaroon ng mga pekeng Paracetamol 500 mg tablets sa mga lokal na pamilihan.

Batay sa Advisory No. 2024-1013 ng ahensya, pinaalalahanan nito ang lahat ng mga healthcare professionals at publiko hinggil sa presensya ng naturang pekeng produkto.

Pinapayuhan ng FDA ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng pekeng bersyon ng nasabing produkto.

Ayon sa FDA, ang lot number, capsule, knurling, at print appearance ng mga pekeng tablet ay hindi maihahambing sa mga standard na feature ng rehistradong produkto.

Binigyang-diin ng ahensya na ang mga pekeng produkto ay nagdudulot ng posibleng panganib sa kalusugan sa mga mamimili at nagbabala sa lahat ng mga establisyimento at mga outlet laban sa pagbebenta at/ distribusyon ng mga ito.

Maaari rin aniyang mapapatawan ng parusa ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng nasabing pekeng produkto ng gamot

Hiniling din ng FDA sa lahat ng local government units at law enforcement agencies na tiyakin na ang mga nasabing produkto ay hindi ibebenta o magagamit sa kanilang mga lokalidad.