-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko hinggil sa pagkain sa produktong ‘Sunflower Haw Flake’ na hindi rehistrado sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na Advisory 2023-1898, sinabi ng FDA na dapat iwasan ng publiko ang pagbili ng hindi rehistradong produktong pagkain na ibinebenta sa merkado.

“The FDA verified through online monitoring or post-marketing surveillance that the abovementioned food product is not registered and no corresponding Certificate of Product Registration (CPR) has been issued,” pahayag ng FDA.

Hinimok din ng FDA ang Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok ng mga hindi rehistradong imported na produkto.

Nagbabala na noon ang ahensya sa lahat ng establisyemento na huwag ipamahagi, i-advertise, o ibenta ang nasabing lumabag na produktong pagkain.