Nagbabala si Food and Drugs Administration (FDA) officer-in-charge Eric Domingo nitong araw sa publiko laban sa pagbili ng mga pampaganda at pampaputing produkto online.
Sa isang pnayam, sinabi ni Domingo na ang mga beauty products na ibinibenta sa mga retail platforms na Shopee at Lazada ay dapat na mayroong Certificate of Product Registration mula sa FDA.
Binigyan diin ni Domingo na hindi talaga maaring ibenta ang isang produkto kung hindi naman ito nakarehistro.
Nauna nang nagbabala ang FDA sa mga gamot naman na nabibili online, lalo pa at walang guarantee kung ang mga gamot na ibinibenta sa internet ay genuine o tunay.
Iginiit din ng ahensya na ang pagbibenta ng gamot online ay maituturing na iligal, at tanging ang FDA lamang ang nagpapahintulot sa pag-order ng mga gamot online pero ito ay kung ang seller ay may existing FDA-licensed pharmacy na may physical address.