-- Advertisements --
FDA WARNING FAKE VACCINES
IMAGE | Food and Drug Administration advisory

MANILA – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay ng naglipana na pekeng bakuna laban sa coronavirus.

Sa isang FDA advisory na may petsang March 30, 2021 nakasaad ang abiso ng ahensya laban sa COVID-19 vaccine na “BNT162b2” at may label na Pfizer-BioNTech.

“The FDA strongly advises the public to be vigilant on the circulation of this falsified COVID-19 vaccine since this poses a serious risk to global public health and further increases the burden on vulnerable populations and health systems,” ayon sa ahensya.

Paliwanag ng regulatory body, mismong mga kompanya na Pfizer at BioNTech ang nagkumpirma na peke ang naturang bakuna na kumakalat sa merkado.

Iba raw kasi ang nakalagay na batch number, expiry date, glass vials, at labels mula sa orihinal na bakuna na kanilang dinevelop.

“Authentic COVID-19 vaccine BNT162b2 is indicated for active immunization to prevent COVID-19 caused by SARS-CoV-2 virus, in individuals 16 years of age and older, which should be used in accordance with official guidance from national regulatory authorities.”

Ang report ng FDA ay kasunod ng natuklasang pagkalat ng pekeng COVID-19 vaccines sa Mexico noong Pebrero.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga local government units at law enforcement agencies na siguruhing walang presensya ng mga palsipikadong bakuna sa mga lokalidad.

Ito’y lalo na’t wala pang importasyon ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas mula sa Pfizer.

“Therefore, all LGUS and law enforcement agencies are requested to ensure that these falsified COVID-19 vaccines are not sold or not administered to patients in their localities or areas of jurisdiction since there is still no importation of COVID-19 vaccine from Pfizer.”