Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng mga gamot online.
Batay sa inilabas na advisory ng FDA, pinaalalahanan ng ahensya ang mga consumer online na huwag basta magtiwala sa mga gamot na mabibili rito.
Wala raw kasing katiyakan kung tapat at maayos na nailagay sa tamang storage facility ang mga ito.
“Unlike other consumer products purchased over the internet, medicines have the potential to cause serious side effects and health problems if not used and stored properly. Buying medicines over the internet can pose serious health risk as you will never know what exactly you are getting.â€
Bukod dito, posible rin umano na hindi tama ang timpa ng active at non-active ingredients nito.
“A medicine bought online may contain no active ingredient; too much or too little of active ingredients which may result to your condition not being treated correctly. Also, these medicines may not be stored correctly in accordance with its appropriate storage conditions.â€
Kaugnay nito binalaan ng FDA ang mga nagbebenta ng gamot online dahil iligal umano ito.