-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa mga kumakalat na pekeng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits.

Ilan sa mga ito ay may tatak na Wondfu 2019 at N-Co-Vi.

Batay sa post marketing surveillance ng FDA, nadiskubre na ang naturang medical device o test kits ay hindi sertipikado ng ahensya.

Ibig sabihin, hindi ito dumaan sa wastong proseso ng pagsusuri dahil wala itong FDA special certification.

Babala ng FDA, hindi ito nakatitiyak sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng mg gagamit sa nasabing test kit.

Una na ring sinabi ni FDA Director Manager Usec Eric Domingo na hindi dapat tangkilikin ang mga produkto lalo na kapag foreign character ang nasa label.