-- Advertisements --
Dinagdagan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga listahan ng essential medicines na hindi na papatawan ng value added tax (VAT).
Sa inilabas na advisory ng FDA na ang nasabing mga gamot ay napapaloob sa Republic Ac 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprises (CREATE) Act.
Layon nito ay para maging abot-kaya ang presyo ng mga gamot.
Ang mga gamot ay para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease at tuberculosis.
Ang nasabing mga listahan ay naisumite na ng FDA sa Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry.