-- Advertisements --
vape

Inilunsad ng Food and Drug Administration ang criminal investigation hinggil sa nakaraang pagtaas ng vaping-related illness sa United States.

Sa huling tala ng health authorities, pumalo na sa 530 ang nagkasakit dahil sa paggamit ng vap.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, naitala sa 38 estado ang 380 confirmed cases noong nakaraang linggo.

Dagdag pa nito, anim na estado ang may naitalang pitong pagkamatay dahil sa naturang sakit.

Inaasahan naman ng ahensya ang posibilidad nang pagtaas pa nito sa mga susunod na araw.

“We are in desperate need of facts,” saad ni Mitch Zeller, director ng FDA’s Center for Tobacco Products.

Aniya, hindi lamang titingnan sa imbestigasyon ang personal na paggamit ng vape ngunit tututukan din nito ang kung saan nabili ang nasabing produkto at kung paano ito ginagamit.

Nakolekta ng FDA ang halos 150 vaping product6 samples para isailalim sa forensic analysis at hahanapin din umano ito ng nicotine, THC at iba pang cannabinoids, opioids, cutting agents, additives, pesticides, poisons, toxins at iba pa.