Nilinaw ni Food and Drug Administration(FDA) Director General Eric Domingo na wala pang ebidensya na nababawasan ang efficacy ng Chinese Vaccine na Sinovac matapos mabakunahan ng kumpletong dalawang doses ang isang indibidwal.
Paliwanag ni Domingo na bagamat nakakapagtala ng breakthrough infections ng COVID-19 sa pitong milyong indibidwal na naturukan ng Sinovac vaccine sa bansa ay mababang bilang lamang ang naitatalang nagpopositibo sa fatalities sa mga indibidwal na fully vaccinated na ng Sinovac.
Base sa datos ng FDA noong August 29, nasa kabuuang 242 ang naitalang breakthrough COVID-19 infections sa mga fully vaccinated na populasyon ng bansa kung saan sa naturang bilang, aabot sa 180 ang nakatanggap ng bakunang Sinovac na may naiulat na apat na nasawi dahil sa COVID-19.
Maging aniya si Usec. Domingo na nabakunahan ng Sinovac ay nanindigan na wala pang sapat na datos na nagpapatunay na pagbaba ng pagiging epektibo ng Chinese vaccine.
Paglilinaw din ni Domingo na majority sa mga naulat na breakthrough infection ay pawang mga nabakunahan ng Sinovac vaccine dahil ito ang brand ng bakuna na may maraming suplay na malawakang ginagamit sa vaccination program ng bansa.
Sa kabila nito, pinunto ni Domingo na bagamat hindi 100 porsyento na nakakapagbigay ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga bakuna ay kaya nitong mapigilan ang malubhang sakit dulot ng virus at kamatayan.