Nagsasagawa na ng pag-aaral ang Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) sa tatlong COVID-19 vaccines na gagamitin para sa mga may edad 18 pababa.
Sinabi ni FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez Jr na kinabibilangan ito ng Covaxin na nag-apply na gamitin sa mga edad dalawa hanggang 18-anyos, Sinovac – na nag-apply na gagamitin sa mga edad tatlo hanggang 17 at maging sa 12 hanggang 17 anyos at ang Sinopharm na nag-apply ng EUA para gamitin sa mga edad tatlo hanggang 17-anyos.
Sa kasalukuyan kasi ay inaprubahan ng FDA ang EUA ng Moderna at Pfizer-BioNTech vaccines para sa mga batang edad 12-anyos pataas.
Sakaling maaprubahan ang tatlong iba pang mga bakuna ay mayroon ng limang klase ng bakuna ang pagpipilian ng mga magulang para sa kanilang mga anak.