Pinayagan na rin ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng Sinovac vaccine para sa pediatric vaccination.
Sa isang statement ay pinasalamatan ni pharmaceutical consortium IP Biotech Group chairman, Enrique Gonzalez ang ahensya at iba pang vaccine experts sa pag-apruba ng Coronavac ng Sinovac para sa EUA ng mga batang may edad na anim na taong gulang pataas.
Aniya, ang approval ng FDA sa EUA nito ay batay sa mga kaparehong authorizations na ibinigay sa Sinovac sa ibang mga bansa, at ang datos mula sa mga bansang ito ay tinitiyak ang kaligtasan at bisa ng Coronavac para sa mga bata.
Magugunita na sinimulan ng pamahalaan ang bakunahan laban sa COVID-19 para sa mga batang may edad na lima hanggang 11-anyos noong Pebrero 7 sa Metro Manila.