-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Dr. Samuel Zacate, Director General ng Food and Drug Administration o FDA na gumagawa sila ng paraan kasama ang Professional Regulation Commission at Technical Education And Skills Development Authority o TESDA para masolusyunan ang malaking kakulangan ng pharmacist sa bansa.

Aminado si Zacate na maraming maliliit na botika sa Pilipinas ang walang pharmacist at ang nakikita niyang dahilan ay posibleng hindi nila kayang magpasahod ng isang pharmacist o di kaya ay dahil sa kakulangan ng pharmacist sa bansa.

Iginiit ni Zacate na sa ilalim ng New Pharmacy law ay dapat lahat ng mga pharmacy sa bansa ay mayroong pharmacist.

Dahil dito, sinabi ni Zacate na mahigpit ang koordinasyon nila sa Professional Regulation Commission at Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) para masolusyonan ang kinakaharap na problema.

Naniniwala ang doktor na sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa ng mga tatlong ahensya ng pamahalaan ay masigurado na maipapatupad ng maayos ang New Pharmacy law.

Dagdag niya na sa pamamagitan ng pharmacy law ay mai-activate ang pagbibigay ng pharmacy assistant sa mga pharmacist sa buong bansa.

Ating pakinggan ang naging panayam kay Dr. Samuel Zacate, Director General ng Food and Drug Administration.