Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga healthcare professionals at publiko sa pagbili ng ilang food products at food supplement na hindi rehistrado ng ahensya.
LOOK: FDA warns healthcare professionals and general public not to purchase Reno Brand liver spread and 4 other “UNREGISTERED” food products, and supplement. They have no corresponding Certificates of Product Registration. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/uFCWMzcWnw
— Christian Yosores (@chrisyosores) September 16, 2020
Batay sa inilabas na advisory ng FDA, natukoy ng kanilang online monitoring at post-marketing surveillance na unregistered at walang hawak ng Certificate of Producr Registration (CPR) ang mga produktong:
- RENO BRAND Liver Spread
- MIRACLE WHITE Advance Whitening Capsules
- TURCUMIN 100% Natural and Standardized Turmeric Curcumin
- DESA Spanish Style Bangus in Corn Oil
- SAMANTHA’S DIPS AND SAUCE Spanish Sardines Paste Sauce
Ayon sa FDA, dahil hindi dumaan sa kanilang evaluation process ang nasabing mga produkto, walang katiyakan na may kalidad at ligtas ang mga ito.
Tinawag ng ahensya ang pansin ng mga establisyemento na itigil ang pagbebenta sa mga nabanggit na produkto hangga’t wala pang nailalabas na CPR sa mga ito.
Pati ang Bureau of Customs ay hinimok din ng FDA na harangin ang pagpasok ng iba pang unregistered na imported products.