-- Advertisements --

Sisimulan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa certification of self-test home test kits laban sa COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ni FDA officer-in-charge Dr. Oscar Guterrez sa ginawang talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi.

Nakatakda rin silang maglabas panuntunan o polisiya sa darating na Enero 17 sa paggamit ng mga home test kits at ang reporting system na ilalabas ng Department of Health (DOH).

Aabot na sa 38 brands ng RT-PCR test kits, 32 antigen test kits, walong antibody immunossay test kits at 11 rapid antibody test ang kanilang naaprubahan na nitong mga nakaraang araw.